1 Kings 7:15-22

15Gumawa si Huram ng dalawang haliging tanso na ang bawat isa ay may taas na 27 talampakan at may pabilog na sukat na 18 talampakan. 16Gumawa rin siya ng dalawang ulo ng mga haliging gawa sa tanso, na ang bawat isa ay may taas na pitoʼt kalahating talampakan. 17Ang bawat ulo ng haligi ay napapalamutian ng pitong kadenang dugtong-dugtong 18na may dalawang hilerang palamuti na ang hugis ay parang prutas na pomegranata. 19Ang hugis ng ulo ng mga haligi sa balkonahe ay parang mga bulaklak na liryo, at ang taas nito ay anim na talampakan. 20Ang bawat ulo ng dalawang haligi ay napapaligiran ng dalawang hilera na may 200 na palamuti na ang hugis ay parang prutas na pomegranata. Ang palamuting ito ay nasa ibabaw ng bilog na bahagi ng ulo, sa tabi ng mga kadena. 21Itinayo ni Huram ang mga haligi sa balkonahe ng templo. Ang haligi sa gawing timog ay tinawag niyang Jakin at ang haligi sa gawing hilaga ay tinawag niyang Boaz. 22Ang hugis ng mga ulo ng mga haligi ay parang mga bulaklak na liryo. At natapos ang pagpapagawa ng mga haligi.

Copyright information for TglASD